Duration 8:44

Marlo Mortel after Tawag Ng Tanghalan incident: Wala nang makakatapak sa akin nang ganun ulit.

56 240 watched
0
350
Published 10 Jun 2020

"I'm tired playing the nice guy dito sa showbiz," sabi ni Marlo Mortel sa panayam sa kanya ni PEP Live host Jimpy Anarcon. Sa PEP Live guesting ni Marlo nung Biyernes, June 5, napag-usapan ang naging reaksyon ng aktor-singer sa pagkakaroon ng mababang score sa "Tawag Ng Tanghalan All Star Grand Resbak" segment ng It's Showtime. Marami rin kasi ang nagulat sa naging score ni Marlo roon. Naglabas tuloy ng video sa kanyang YouTube channel ang aktor-singer kunsaan naglabas siya ng sama ng loob sa pagkakaroon ng mababang score. Binigyan si Marlo ng score na 88.4 ng mga hurado sa nabanggit na It's Showtime segment. Sabi ni Marlo kay Jimpy, matatanggap niya raw kung sabihin na hindi siya magaling aktor, pero ang sabihan siyang hindi siya magaling na singer ay hindi niya matatanggap. Tanggap niya naman sa mga sinalihan niyang contests na natatalo siya ng sa tingin niya ay mas magaling na singer, pero ang bigyan siya ng mababang score nang walang katanggap-tanggap na explanation ay di raw niya matanggap at nakakababa sa kanyang tiwala sa sarili bilang singer. Kaya't matapos na ma-eliminate sa contest at maglabas ng sama ng loob sa kanyang vlog, sinabi ni Marlo na, "Wala nang makakatapak sa akin nang ganun ulit." Panoorin ang video para sa iba pa niyang pahayag. #marlomortel #marlomortelTNTincident Host: Jimpy Anarcon Producer: Rommel Llanes Director: Jean Saturnino Technical Director: Kim Gan Video Editor: Rommel Llaens Subscribe to our YouTube channel! /PEPMediabox Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph ! Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Category

Show more

Comments - 159